Huwebes, Pebrero 2, 2017

Titser, titser...

I never thought of becoming a teacher. Not even in my wildest dreams.

After graduating in the college seminary, I had my regency program. I applied for a teaching position at a Catholic school where I was designated as a Christian Living Education teacher. Ang sabi ko sa sarili ko, "Madali lang ito. May units naman ako sa teaching. Magtuturo lang naman ako. Kayang-kaya ko ito." Pagkatapos sabihin ang mga linyang ito, nagsimula na ang karanasang nagpabago at nagpanibago sa aking pagtanaw sa buhay.

Being a teacher was a total twist in my life. I have to manage my time preparing for my lessons, thinking of activities that will attract the attention of my students, checking their requirements and many things that a teacher does. Hindi pwedeng petiks lang. Sa panahon ngayon, lubhang napakahirap kunin ang atensyon ng mga estudyante at panatilihin ito sa buong klase. Dito ko naintindihan kung bakit noong high school pa ako ay laging beastmode si Madam o si Sir kapag napalingon lang ako sa katabi ko.

All throughout my experiences as a teacher, I learned many things beyond the walls of the seminary. I learned to be more patient in dealing with my students. I learned to manage my time. I learned to listen to the stories of my students and not to judge them solely about their attitude inside the classroom. Dito ko nalaman na totoo ngang mapapakinabangan ng isang guro ang mga estudyanteng "goody-goody" para sa kung ano mang dahilan nila (sila 'yung mga tinatawag ko noong mga "pasipsip"). Patawarin nawa ako ng Diyos.

I learned how to give my best in every lesson I discussed. Hindi pwede ang "pwede na." Kailangan maging handa sa mga posibleng katanungan ng mga estudyante tulad ng "Sir, may Diyos po ba talaga?" Mahirap namang pagtalikod mo ay tinatawag ka na palang Sir Tanga, 'di ba? I became more observant about my students. I learned how to value education and learning.

There were times that some of my students were asking some advice from me about their problems. When they told their stories, I never thought that students like them, young as they are, are already experiencing such problems in their life. May mga hindi naaappreciate ng mga magulang sa bahay. May mga estudyanteng binubugbog pala ng sariling magulang. May mga estudyanteng pinalayas sa kanila at nakikituloy lang sa mga kaibigan. May mga estudyanteng gumagamit ng marijuana. May mga dalagitang bumili at nagdala ng condom sa classroom. Nakakalungkot. Nakakapanghina. Nakakadismaya.

Akala ko napunta lang ako sa eskwelahang iyon para magturo. Mali pala. Sila pa pala ang nagturo sa akin. Na ang karunungan ay hindi nasusukat sa dami ng nabasang libro o sa kasikatan ng eskwelahang pinapasukan.Ang karunungan pala ay hindi nabibili o nababayaran. Higit na mahalaga pala ang karunungan ng puso kaysa karunungan ng isip lamang. Hindi pala ako ang nagturo sa kanila, kundi kaming lahat ay tinuruan ng Pinakadakilang Guro sa lahat.

Madam, Sir, mas lalo akong humanga sa inyo pagkatapos ng mga karanasan ko bilang guro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento