Paano ba ang masusukatan ang pag-ibig kung ito'y tunay?
Sa dami ba ng mga bulaklak at mga tsokolate ibinabatay?
Nasusukat ba sa araw, oras at minuto
O 'di kaya'y sa mga karanasang sa ati'y naituro?
Paano masasabing dalisay ang pag-ibig?
Dahil ba sa mga materyal na bagay na tatak-orig?
Nakikita kaya ito sa bawat yakap at halik
O 'di kaya'y ang pagkakaisa ng dalawang pusong ang bigkis ay matalik?
Paano ba masasabing true love na ito?
Kapag ba lahat ay masaya, magaan at hindi nagbabago?
Eh paano kapag dumating ang sandaling lahat na ay malabo,
lalayo ka na lang ba at sa kawalan tatakbo?
Paano kung mahal mo na talaga siya
Pero iba ang sinasabi ng puso mo't dikta?
Sana kaya kong mahati ang puso sa dalawa
nang makayanan kong mahalin ang Diyos at kapwa.
Paano, Panginoon, paano bumitaw?
Mahal ko siya, pero ang bigkas ng puso ko'y Ikaw.
Turuan Mo sana ako, O Diyos,
upang sa gayo'y masundan ko ang Iyong utos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento