Masarap magmahal hindi ba? Ang sarap kayang kiligin. Ang sarap kaya ng may ka-date. Ang sarap ng may kasamang namamasyal, kumakain, magshopping at kung anu-ano pa. Ang sarap gumising sa umaga ng may mababasa kang text galing sa pinakamamahal mo.
Haaaay, pag-ibig nga naman. Even the ugliest day of your life becomes beautiful when you are in love. And the best part is this: mahal ka rin ng taong mahal mo. Kung masarap ang magmahal, tiyak na mas masarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. 'Yung hindi pinilit. 'Yung minahal ka kasi mahal ka at hindi sa kung ano pa mang dahilan.
Pero aminin: if you have the courage to fall in love, then you must also have the courage to be hurt. Gano'n yata talaga ang pag-ibig, may kaakibat na sakit, pighati, kalungkutan at higit sa lahat, sakripisyo. Lalo na kapag naharap ka sa isang malaking desisyon.
Kailangan mong pumili: ang babaeng pinakamamahal mo o Siya?
Ganito magmahal ang isang katulad ko. Ganito kahirap magmahal. Ganito kahirap magsakripisyo ang isang tulad kong nagmahal sa isang babae at ngayo'y nagmamahal sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento