Martes, Pebrero 7, 2017

Paalam...



Bakit kailangang dumating ang dilim at lumubog ang araw
kahit sa mga sandaling ang mga puso nati’y masaya’t sumasayaw?
Bakit kailangang makaranas tayo ng hinagpis at pighati
at sa kawalan ay lubha ang ating pagdadalamhati?

Bakit kailangang magapi at matalo
kahit ibinigay na ang lahat para sa’yo?
Ano pa ang silbi ng patuloy pang mabuhay
kung sa bawat paggising ko’y sakdal ang lumbay?

Bakit kaya kailangan pang magtapos at magwakas
upang makita lamang ang kahulugan ng pag-ibig na wagas?
Bakit kailangan pang tayo ay magpaalam

kung ang iyong pagbabalik ay hindi ko rin naman alam?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento