Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis. Mababasa 'yan sa aklat ng Genesis. Nilikha na may sariling pag-iisip. Nilikha na may kakayahang magdesisyon. Nilikha na kayang pumili ng tama o mali. Nilikha ng may kalayaan. At higit sa lahat... Nilikha na may kakayahang magmahal at mahalin.
Gaya ng nasabi ko sa nakaraang blog ko, masarap ma-in love. Ngunit sa kabila nito ay naroon ang katotohanang hindi maikakaila: ang katotohanan na maaari tayong masaktan dahil sa pag-ibig.
Oo, isa akong seminarista. Ngunit ayaw kong magsalita ngayon bilang isang naghahangad na maging pari balang araw (sa kalooban ng Diyos). Nais kong magsalita bilang isang tao, isang normal na tao na nakakaranas din ng mga emosyon.
Minsan naitanong ko na sa sarili ko (at maging ng ibang mga seminarista diyan!) lalo na noong kapapasok ko lang sa seminaryo, "Bawal bang umibig ang mga tulad naming nagpapari?" Eh, 'di ba nilikha naman tayo ng Diyos upang magmahal tulad Niya? Sa paglipas ng maraming taong pananatili ko sa seminaryo, inaamin kong hindi ko pa rin lubusang mahanap ang kasagutan sa tanong na ito. Ganoon nga siguro, may mga bagay sa mundo na tanging ang puso lamang ang nakakaintindi at nakakadama.
Na-in love na ako. Bago pa man ako nakapasok sa seminaryo ay naranasan ko na rin ang magkagirlfriend (sa maniwal kayo o sa hindi). Kasi nga po ay tao rin akong tulad ninyo, at hindi naman ako agad na seminarista pagkapanganak sa akin ng nanay ko. Nagkaroon ako ng puppy love, ng mga crush at nagkaroon din ako ng kasintahan. Oh c'mon! Alam ko ang feeling ng in love!
Una sa lahat: ang pagmamahal ay pakikiisa sa larawan ng Diyos. To be human is to love. To love is to be the divine image of God.
Casino and Sportsbook at Wynn - JTM Hub
TumugonBurahinCasino and Sportsbook at Wynn. We're located in Las 김해 출장마사지 Vegas and are part 영주 출장마사지 of Wynn Resorts Limited. Casino and Sportsbook at 전주 출장안마 Wynn Resorts have 강릉 출장샵 a lot 세종특별자치 출장마사지 of action